tula

palihim pa rin ba?

-zazimrash (jonard)

minsan na akong nagtago

minsan na akong humayo

palihim pa rin nga ba

ang pag alay ko sa kanya?

minsan na akong nangulila

minsan na akong nag-isa

akala ko’y wala na siya

at hindi na magbabalik pa

ngayon, palihim pa rin nga ba

ngayong andito na siya?

muli’y kapiling na

sa dibdib ko’y nadarama

siyapa rin ba?

siya pa rin ba?

siya pa rin ba ang nasa puso ko?

mahal ko siya ngunit siya na nga ba?

Leave a Reply